Tips on How I got my Online Appointment at DFA for my passport renewal
Sa totoo lang dami nahihirapan sa pagkuha ng Online appointment para sa passport at passport renewal, ako din nung una nahirapan at halos mawalan na ng pag-asa na makaka-book pa ako ng maaga-aga para sa taon na ito. Kung hindi pa ako kinulit ng asawa ko kakatanong kung naka-kuha na ba ako ng appointment eh hindi ko sya i-pu-push, at heto na nga at ako ay nakakuha ng appointment. Sa totoo lang tyagaan lang sya. Kung halos maghapon ka naman nag i-internet eh might as well gamitin mo ang mga oras na iyon sa pag visit ng DFA website para sa pag check ng available slots.
Pa'no kumuha ng appointment sa DFA Website ayon sa aking experience:
1st STEP - Schedule of appoitments sa DFA satellite/offices - in this part konting tyagaan lang po. On my experience, napansin ko na after lunch nag rereset ang DFA site para sa mga available slots ng appointment. Sa una walang available pero refresh lang ng refresh or reload the page at syempre clear cache na din minsan kasi sa sobrang visit mo dun sa site tumatagal syang mag load. Try nyo mga after 10-15 minutes interval sa pag reload/refresh.
I tried mga last week ng January 2018 mag pa sched, una kong nakuha June 23, medyo natagalan ako so nag try ako ulit aba may lumabas na February 8 at March 13, kinancel ko muna yung na confirm ko na June 23 date, pag may existing appointment ka na kasi di ka pwede mag pa schedule ulit, kailangan i-cancel mo muna yung na-una mong appointment. Pinili ko March 13 kasi alanganin na ang Feb. 8, eh kailangan ko pang kumpletuhin ang mga requirements na nakalagay sa kanilang website.
2nd STEP - Kapag nakapili ka na ng date for your appointment, mag fi-fill-up ka naman ng Application form online. Sa part na ito medyo mapapractice ang typing skills mo kasi kailangan matapos mo ang pag fill-up within 15 minutes na alloted time para sayo kumbaga reservation time sayo yun for that date.
Personal details mostly, kaharap ko ang birth certificate ko at old passport ko nito kasi nandun ang kakailanganing detalye. After mo mag fill-up, i-rereview mo yung details kung tama, then submit. One more para sa step na ito, email address under google at yahoo ang mas prefered para maka recieve ng email from DFA.
3rd STEP - After mo ma-submit ang Application form, may marerecieve kang email-Notice of Provisional Schedule para sa confirmation ng Appointment sa DFA offices/satellites na pinili mo pag hindi mo nakita sa inbox mo please check your junk/spam folder minsan kasi dito napupunta yun. Kailangan I-CONFIRM mo ito para sa reservation and finality ng appointment mo, if i'm not mistaken 24 hours ata ang palugit for you to confirm the appointment, after 24 hours at di mo sya na confirm, cancel na ang schedule mo..back to step 1 ka kaya please check your email for messages specially your junk/spam folder.
4th STEP- after confirmation another email ang matatanggap mo, this time Confirmation Notice na nag sasabi ng schedule mo ng Appointment sa DFA.
5th STEP - After mo ma receive and confirmation notice, kung mapapansin nyo - may binilugan ako (see the images below)
6th STEP - Please CLICK the notice na binilugan ko para ma download, eto po yung Application form na pinill-upan nyo ng inyong information .
7th STEP - After nyo i-download ang Application form, Kailangan i-print ito at ang Confirmation Notice sa A4 size na bond paper. Kaya pag punta nyo sa DFA sa araw na schedule nyo 2 (dalawang) printed na papel and dala nyo.
Emphasized ko po ang DALAWA kc may nakasabay po ako yung Notice of confirmation lang dala nya, hinanapan sya nung Application form. So para di masayang ang punta nyo. Wala po silang form doon na pwede nyo fill-upan.
And tha'ts it! ready na kayo for your Appointment sa DFA, sa next kong blog ay ang requirements naman sa pag renew ng passport at pagkuhan na din, hiniwalay ko para di mapahaba ang blog ko na ito.

Comments
Post a Comment