My Passport Renewal Experience

Continuation ng pagkuha ng appointment sa DFA. Sa part na ito yung experience ko sa pag renew ng passport ko ang aking i-she-share.

Mga requirements na hinanda ko for my passport renewal:
                 1. PSA Birth Certificate
                 2. Valid ID - SSS Umid ID
                 3. Local Civil Birth Certificate (medyo malabo kc yung PSA copy ko)
                 4. PSA Marriage Contract (again supporting documents incase na hanapin)
                 5. Yung print-out ng Application form at Notice of Confirmation         

Pagdating ko sa DFA Ali Mall, pinapila kami sa designated pila para sa oras ng appointment namin.  1:00 pm to 2:00pm ang time ko, dumating ako mga 12:15, so ang pinapapasok palang that time eh yung mga naka schedule for 11:00am to 12:00nn. Around 12:45 pinapasok na kami kasi nakapasok na lahat ng pang 11-12:00nn.

   May 4 steps na dapat daanan sa pag renew ng passport sa may Ali Mall.

1st STEP - Verification
Dito kayo unang papipilahin, dito nyo ipapakita ang mga requirements na dala nyo. In my case as a first timer to renew my passport nagulat ako kasi sa dinami-dami ng nakalagay na requirements sa site ng DFA eh yung lumang passport, xerox/photocopy lang ng passport na may info mo ang kinuha sa akin, tapos inattached sa Application form ko.

2nd STEP -Processing
 May 3 Windows na pupuntahan para ipakita yung Application form, old passport and yung xerox/photocopy ng passport. Tsine-check nila yung mga information kung pareho. Then pag walang problema, bubutasan na yung old passport mo tapos tatanungin ka kung regular(15 days - 950.00 o special(7 days - 1,200) bibigyan ka na ng resibo para magbayad.

3rd STEP - Cashier
 Pipila ka dito, mabilis ang andar ng pila kahit isa lang ang window. May Prioritylane para sa Senior Citizen, Pregnant, PWD, Minors etc.

4th STEP - Encoding
Last step, dito ako medyo natagalan kasi ang dami naming nakasabay na mga bata at Senior, sila kasi priority though nung mga bandang 2:00pm eh may tao na lahat ng tables nila kaya bumilis na, Encode ng info mo, capturing ng image at scanning ng finger prints mo, tapos ipapa-check na sayo sa screen kung tama ang nakalagay sa bio mo. Tapos na!

Exactly 2:24pm tapos na ako.

Naka-indicate sa resibo mo kung kelan ang release ng passport mo, kaya ingatan at wag iwawala.
Sa loob ng DFA Ali Mall may Courier booth kung gusto mo ipa-deliver ang passport mo, additional 150.00 para dito.

May naka-paskil sa entrance ng DFA Ali mall na nakalagay nag aaccept sila ng 80 walk-in applicant para sa Senior Citizen, Pregnant Women, PWD, at Minors(7 years old and below).





Comments

Popular posts from this blog

Tips on How I got my Online Appointment at DFA for my passport renewal

How to get PSA Birth Certificate and Marriage Certificate - walk in