How to get PSA Birth Certificate and Marriage Certificate - walk in

Just want to share my experience in getting my Birth Certificate and Marriage Certicate in PSA(Philippine Statistic Authority) at Pureza Manila last February 27, 2018. Hope by this you can get some helpfull tips and insights.

I was about to renew my passport and since i only had my SSS UMID ID, I decided to get a birth certificate for supporting documents incase its needed. Nag fill-up na ako thru online para ideliver nalang sa bahay at less hassle sa byahe, pero nag bago isip ko nang mag check-out ako kasi ang mahal pala pag thru online, it costs me 330.00 pesos per document (for Birth, Death Certificate and Marriage Certificate). Eh 3 documents kailangan ko! So aabutin ako ng 990.00 total! So much para sa documents. I took some net searching and nalaman ko na nasa 100+ lang pala pag nag walk-in ka sa PSA. Kaya ayun, gora ang ateng at nag punta sa Pureza, Manila (Yung former NSO na PSA na ngayun ay wala na sa East Ave. dito na nilipat).

Hindi mahirap puntahan ang PSA kasi konting lakad nalang sya from LRT Pureza Station.
Yung unang entrance or building ay Priority Lane for Senior Citizen, PWD, Pregnant Women so hindi ako dun pinapasok, ituturo ka sa kabilang entrance kung saan pag pasok mo may Window para sa form na kakailanganin mo, ang binigay sa akin ay color White for Birth certificate and Pink for Marriage Certificate. Yes, dun ka mag fill up, di nila ina-acknowledge and form na downlable online.

After fill-upan yung mga forms, papasok ka para pumila at maghintay. By 30's kasi ang pagpapa akyat sa 3rd floor para sa evaluation. Habang naghihintay may isang Staff/Officer sila dun na naka megaphone at nag eexplain tungkol sa form na iyong sinulatan, I find it informative kasi well explained kung bakit at para saan yung sinulatan mo, pwede ka din magtanong sa kanya kung may gusto ka pa linawin.

3rd Level, pila ulit pero mabilis naman, sa stage na ito i-aassess na mga documents na dala mo like valid ID's, etc. Merong 5 katao na nag aassist, pili ka nalang kung saan ka pipila.

After mo ma-assess, kuha ka ng number sa dulo ng table nung mga nag assess,  tapos upo ka sa mga upuan sa tapat ng cashier. NOTE: by 20's ang numbering, ex: 2000-2020.
Ang binayaran ko ay 465.00 pesos Total. (155.00 per Documents)

After sa cashier papuntahin na kayo sa waiting area kung saan hihintayin mo na tawagin ang pangalan mo or pangalan ng kinukuha mong docs. (Ang tatawagin ay pangalan ng nasa birth certificate ng kinukuha mo, at pag sa marriage naman pangalan ni husband ang tatawagin).
Dito ako natagalan, tiis ganda at gutom di na ako lumabas para kumain para matapos na. NOTE on this part : In the event na nagka-hiwalay ng window ang documents na kinukuha mo(na nangyari sa akin) makikisuyo ka nalang dun sa window na pinipilahan mo, sabihin mo may documents ka sa window number(sabihin mo number ng window kung saan inanounce ang releasing nung document) at sila na kukuha nun para ibigay sayo.

So Overall...inabot ako ng halos 3 oras, 12:45 ng tanghali ako dumating, natapos ako 3:30 na. As per manong na nag memega phone, peak season kaya madami kumukuha. Kaya hanggat maaari mag baon ng biscuit o ano mang maku-kutkot pampalipas gutom at tubig na maiinom. Madami namang makaka-inan sa paligid dun pero nag decide na ako na hintayin nalang matapos.




Comments

  1. Hindi nga mahirap puntahan mahirap namn sa pila kasi ang babagal ng cashier. Grabe .... Dapat ng lalagay kayo ng mga satellite office every province.. Ginawa niu kasi negosyo yan.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips on How I got my Online Appointment at DFA for my passport renewal

My Passport Renewal Experience